Mga Panuntunan sa Trapiko
Sa Japan, ang mga sasakyan at bisikleta ay dumadaan sa kaliwang bahagi ng kalsada. Ang mga pedestrian ang may prayoridad sa mga tawiran na walang traffic light.
Gayundin, mayroong mabibigat na parusa sa paggamit ng smart phone habang nagmamaneho at sa pagmamaneho ng nakainom ng alak o drunk driving.
Mga panuntunan sa pagmamaneho ng sasakyan
- Kinakailangan ang lisensya sa pagmamaneho
- Obligado ang lahat ng pasahero sa lahat ng upuan na magsuot ng seatbelt.
- Obligado ang mga bata na wala pang 6 na taong gulang na gumamit ng child seat.
Mga panuntunan sa pagbibisikleta
- Sa mga intersection, sumunod sa traffic light at huminto sa stop sign para masiguro ang kaligtasan
- Sindihan ang ilaw ng bisikleta sa gabi
- Magsuot ng helmet
- Bawal ang may angkas o ang pagmamaneho ng magkatabi
- Huwag magmaneho habang may hawak na payong o gumamit ng earphones at iba pang gamit na pumipigil na marinig ang ingay sa paligid.
- Ipinagbabawal ang pagpasok ng bisikleta sa mga expressway
- Ayon sa ordinansa ng Hyogo Prefecture, obligadong kumuha ng insurance ang mga gumagamit ng bisikleta.
Website ng Hyogo Prefectural Police
Asa-GO
Ang “Asa-GO” ay isang serbisyo kung saan susunduin ka ng sasakyan sa iyong bahay o sa malapit na lugar ang taong nagpareserba. Susundin nito ang rutang tinutukoy sa reserbasyon, hihinto sa mga lugar ng pagsundo at pagbaba ng ibang pasahero habang papunta sa destinasyon.
Maaaring magpareserba sa pamamagitan ng telepono o internet. Para sa mga karagdagang detalye, magyaring tignan ang website.
Website ng Asa-GO
Araw ng Operasyon/Holiday
| Lunes hanggang Biyernes | 7:30 - 17:30 |
|---|---|
| Sabado | 8:30 - 15:30 |
| Linggo, Holidays at Year-end/New Year | Walang biyahe |
Bayad o Pamasahe
| Estudyante ng junior high school hanggang 64 taong gulang | 400 Yen |
|---|---|
| 65 gulang pataas, estudyante ng elementarya, mga may hawak na Physical Disability Certificate, rehabilitation Certificate, Mental Disability and Welfare Certificate, at tumatanggap ng livelihood assistance | 200 Yen |
| Mga wala pang edad para sa elementarya | Libre |
Pagpapareserba
-
Ikuno, Asago area
TEL:079-666-8170 -
Wadayama, Santo area
TEL:079-666-8101
Oras ng Resepsyon
-
Lunes hanggang Biyernes
7:30 – 15:30 -
Sabado
7:30 – 13:30